Paglapit ng mga bapor ng Pilipinas sa Ren’ai Jiao, ipinagbawal ng Coast Guard ng Tsina

2023-09-08 16:30:28  CMG
Share with:

Ayon sa pahayag sa website ng China Coast Guard (CCG), nagbabala, nagmonitor at nagbawal Biyernes, Setyembre 8, 2023 ang CCG ng walang pahintulot na pagpasok ng dalawang bapor pagkukumpuni at dalawang bapor ng coast guard ng Pilipinas sa territorial waters sa paligid ng Ren’ai Jiao ng Tsina.

 

Anang pahayag, may di-mapapabulaanang soberanya ang Tsina sa Nansha Islands na kinabibilangan ng Ren’ai Jiao at rehiyong pandagat sa paligid, at buong tatag na tinututulan ng Tsina ang paghahatid ng awtoridad ng Pilipinas ng suplay ng pagkukumpuni at pagpapatibay sa ilegal na sumasadsad na bapor-pandigma nito.

 

Patuloy na isasagawa ng CCG ang mga aktibidad ng pangangalaga sa mga karapatan at pagpapatupad ng batas sa rehiyong pandagat na pinangangasiwaan ng Tsina, alinsunod sa batas, dagdag ng pahayag.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil