Pagtaya sa paglago ng kabuhayang pandaigdig sa 2023, pinataas sa 3.0% - IMF

2023-07-26 16:09:06  CMG
Share with:


Ayon sa binagong 2023 World Economic Outlook na inilabas Martes, Hulyo 25, 2023 ng International Monetary Fund (IMF), tinayang aabot sa 3.0% ang paglago ng kabuhayang pandaigdig sa 2023, at ito ay 0.2% mas mataas kaysa pagtaya noong Abril.

 

Samantala, aabot sa 3.0% ang paglago ng kabuhayang pandaigdig sa 2024, tulad ng pagtaya nauna rito.

 

Ipinalalagay ng IMF na nahaharap pa rin ang kabuhayang pandaigdig sa multipleng panganib ng pagbaba, at nananatiling matamlay ang paglago nito.

 

Kabilang dito, malinaw na babagal ang paglago ng mga maunlad na ekonomiya, at mapapanatili ng mga bagong sibol na merkado at umuunlad na ekonomiya ang tunguhin ng matatag na pagbangon.

 

Ayon pa rin sa pagtaya ng IMF, lalago ng 5.2% ang kabuhayang Tsino sa 2023, na magkatulad sa pagtaya noong Abril.

 

Tinukoy ng IMF na ang pinakamahalagang tungkulin para sa karamihan ng mga ekonomiya ay pagpigil sa implasyon at paggarantiya sa katatagan ng pinansya.

 

Anito, dapat patuloy na magpunyagi ang mga bangko sentral ng iba’t ibang bansa, upang mapanumbalik ang katatagan ng presyo ng mga paninda, mapalakas ang pagsusuperbisa’t pangangasiwa sa pinansya, at pagmomonitor at pagkontrol sa mga panganib.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil