Tsina, tumatanggap sa pagdalaw ng delegasyon ng mga senador ng Amerika

2023-10-04 18:33:12  CMG
Share with:

Ayon sa pahayag na inilabas ngayong araw, Oktubre 4, 2023, ng Ministring Panlabas ng Tsina, mainit na tinatanggap ng Tsina ang pagdalaw sa bansa sa darating na ilang araw ng isang bipartisan delegation ng mga senador ng Amerika na pamumunuan ni Senate Majority Leader Chuck Schumer.

 

Umaasa ang Tsina, na sa pamamagitan ng pagdalaw na ito, daragdagan ang obdiyektibong pagkaunawa ng Kongreso ng Amerika sa Tsina, pasusulungin ang pagpapalitan ng mga lehislatura ng dalawang bansa, at ibibigay ang positibong elemento sa pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano, dagdag ng pahayag.


Editor: Liu Kai