Puno ng polisyang panlabas ng EU, dadalaw sa Tsina

2023-10-12 11:33:31  CMG
Share with:

Sa paanyaya ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, isiniwalat, Oktubre 11, 2023 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng bansa, na nakatakdang dumalaw sa Tsina si Josep Borrell, Mataas na Kinatawan ng Unyong Europeo (EU) sa mga Suliraning Panlabas at Polisya ng Seguridad, mula Oktubre 12 hanggang 14.

 

Si Borell ay siya rin aniyang Pangalawang Pangulo ng Komisyong Europeo.

 

Dagdag ni Wang, itataguyod ng magkabilang panig ang Ika-12 China-EU High-level Strategic Dialogue.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio