Sa kanyang talumpati, Oktubre 17, 2023 sa Belt and Road CEO Conference na idinaos sa Beijing, ipinahayag ni He Lifeng, Pangalawang Premiyer ng Tsina, na nitong 10 taong nakalipas, sa pamamagitan ng pagsisikap ng iba’t ibang panig, malalimang binago ng magkakasamang pagtatatag ng “Belt and Road Initiative (BRI)” ang estruktura ng industrial chain at supply chain ng buong mundo, pinasulong nito ang pag-optimista ng pagsasaayos ng yaman, na nakinabang ang mga mamamayan ng iba’t ibang bansa.
Si He Lifeng, Pangalawang Premiyer ng Tsina (photo from Xinhua)
Tinukoy ni He na sa hinaharap, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng iba’t ibang panig, para pataasin ang lebel ng konektibidad ng imprastruktura, palawakin ang kooperasyong pangkalakalan, palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa larangan ng pamumuhunan, aktibong palawakin ang bagong larangang pangkooperasyon, at patuloy na itaguyod ang pagkamit ng mas dekalidad na pag-unlad sa magkakasamang pagtatatag ng BRI para walang humpay na matamo ang bagong bunga.
Binigyan-diin ni He na ang mga entrepreneur ay sugo ng magkakaibigang kooperasyon, tagabunsod ng magkakasamang pagtatatag ng BRI, at tagapagpatupad ng magandang pananaw ng BRI.
Lumahok sa kompenrensya ang mahigit 1,000 katao na kinabibilangan ng mga opisyal ng pamahalaang dayuhan, kinatawan ng pandaigdgiang organisasyon, kinatawan ng samahang komersyal ng iba’t ibang bansa, namamahalang tauhan ng mga kompanyang Tsino at dayuhan at iba pa.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil