Ayon sa datos na inilabas Oktubre 18, 2023 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, umabot sa mahigit 91.3 trilyong yuan RMB ang gross domestic product (GDP) ng bansa noong unang tatlong kuwarter ng taong ito, at ito ay lumaki ng 5.2% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Ang bahagdan ng paglaki nito ay mas mabilis kaysa mga pangunahing maunlad na ekonomiya sa daigdig.
Ipinalalagay ng maraming dalubhasa na sa kasalukuyan, ang Tsina ay nananatili pa ring makina ng pagpapanumbalik ng paglago ng kabuhayang pandaigdig.
Habang dumarami nang dumarami ang senyal ng pagbangon ng kabuhayang Tsino, ang patuloy na pagsigla ng konsumo ay naging pinakamalaking tampok.
Pagpasok ng 2023, madalas na dumalaw sa Tsina ang mga mataas na opisyal ng mga transnasyonal na kumpanyang gaya ng Tesla, J.P. Morgan, Apple Inc. at Qualcomm.
Pawang inihayag nilang tuluy-tuloy na pag-iibayuhin ang pamumuhunan sa Tsina, at malalimang gagalugarin ang merkadong Tsino.
Ayon sa ulat ng pagsasarbey ng Pricewaterhouse Coopers (PwC) Oktubre 17, nananatiling optimistiko sa merkadong Tsino ang karamihan ng mga transnasyonal na kumpanya sa Tsina.
Kabilang dito, ang laki ng merkado, paglago ng kabuhayan, at pagkilala ng mga mamimili ay tatlong masusing elementong nakakahikayat ng pamumuhunan ng mga transnasyonal na kumpanya sa Tsina.
Sa unang dako ng susunod na buwan, mahigit 3,400 kumpanya mula sa 128 bansa’t rehiyon ang lalahok sa Ika-6 na China International Import Expo (CIIE). Magsisilbi itong pinakamagandang ganti sa iba’t ibang pananalita ng talking down ng Tsina.
Salin: Vera
Pulido: Ramil