Pragmatikong kooperasyon ng Tsina at Argentina, palalalimin – Xi Jinping

2023-10-19 15:32:23  CMG
Share with:


Sa pagtatagpo, Miyerkules, Oktubre 18, 2023 sa Beijing nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Alberto Fernandez ng Argentina, sinabi ng pangulong Tsino, na kasama ng Argentina, palalakasin ng Tsina ang estratehikong sinerhiya, pasusulungin ang matatag at pangmalayuang pag-unlad ng relasyong Sino-Argentino, at itatayo ang modelo ng South-South Cooperation.

 

Sinusuportahan din aniya ng Tsina ang pangangalaga ng Argentina sa katatagan ng kabuhayan at pinansya.

 

Nakahanda ang Tsina, na ibahagi ang pagkakataong pangkaunlaran sa Argentina, pasulungin ang de-kalidad na kooperasyon ng Belt and Road, at palalimin ang pragmatikong kooperasyon sa mga larangang gaya ng agrikultura at imprastruktura, dagdag ni Xi.

 

Inihayag naman ni Fernandez ang kahandaan ng Argentina na palakasin ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa Tsina sa loob ng mga balangkas na gaya ng Group of 20 (G20) at mekanismo ng kooperasyon ng BRICS.

 

Salin: Vera

 

Puldio: Rhio