Sesyon ng Pirmihang Komite ng kataas-taasang lehislatura ng Tsina, sinimulan

2023-10-21 17:37:07  CMG
Share with:

 

Sinimulan kahapon, Oktubre 20, 2023, sa Beijing, ang ika-6 na sesyon ng Pirmihang Komite ng ika-14 na Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, kataas-taasang lehislatura ng bansa.

 

Nangulo sa unang plenaryong pulong ng sesyong ito si Zhao Leji, Tagapangulo ng Pirmihang Komite ng NPC.

 

Sinuri ng mga mambabatas ang panukalang rebisyon sa Batas sa Pangangalaga sa Kapaligirang Pandagat, para sa ikatlong pagbasa nito.

 

Sinuri rin sa pulong ang mga panukalang batas sa makabayang edukasyon, seguridad ng pagkain, at taripa, at mga panukalang rebisyon sa Batas sa Pagpigil at Pagkontrol sa mga Nakakahawang Sakit, Batas sa Pangangalaga sa mga Relikyang Kultural, at iba pa.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos