Ika-4 na Asian Para Games, binuksan sa Hangzhou

2023-10-23 15:55:06  CMG
Share with:

Sa maringal na seremonya, inanunsyo ni Ding Xuexiang, Pangalawang Premyer ng Tsina, ang pagbubukas, Oktubre 22, 2023, sa Hangzhou, lalawigang Zhejiang sa silangang ng bansa ng Ika-4 na Asian Para Games.

 


Batay sa mga ideyang tulad ng “optimismo, harmonya, pagpupunyagi at pagbibigayan,” ang kasalukuyang Asian Para Games ay isa pang pagtitipun-tipong itinataguyod ng Tsina para sa mga may kapansanang atletang Asyano, kasunod ng Beijing Paralympic Winter Games.

 


Kasali rito ang mga delegasyon at mahigit 3,100 may kapansang atleta mula sa 44 bansa’t rehiyon.

 

Sa darating na 6 na araw, sila ay magpapaligsahan sa 564 na event ng 22 isport.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio