Torch relay ng Ika-4 na Asian Para Games, sinimulan sa Hangzhou

2023-10-20 16:00:35  CMG
Share with:

Sinimulan Huwebes, Oktubre 19, 2023 sa Chun’an County ng lunsod Hangzhou, lalawigang Zhejiang ng Tsina, ang paghahatid ng sulo ng Ika-4 na Asian Para Games.

 


Ihahatid ang sulo sa ibang mga lugar ng Hangzhou na kinabibilangan ng Jiande City, Tonglu County, Fuyang District at Xiaoshan District.

 


Ayon sa tagapag-organisa, kasali rito ang 600 torchbearers, at kabilang dito, 51 ay nanggaling sa 41 bansa at rehiyon sa ibayong dagat.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil