Mga proyektong co-production ng pelikula at telebisyon sa Pransya, inilunsad ng CMG

2023-10-25 16:52:04  CMG
Share with:

Inilunsad Oktubre 24, 2023, sa Paris, Pransya, ng China Media Group (CMG) ang seremoniya ng paglalabas ng “Towards the Future Together-China-France Diplomatic Relations 60th Anniversary Film and Television Co-production Project” upang ipatupad ang napagkasunduan ng mga pinuno ng dalawang panig sa nakaraang pulong.

 


Sa kanyang talumpati, sinabi ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG, na nitong 59 na taong nakalipas, ang pagtutulungan ng Tsina at Pransya ay patuloy na lumalalim sa iba’t ibang larangan. Tinukoy niya na sa mahabang panahon ng mutual na pagkakaunawaan at pagkakaibigan, ang media ay gumanap ng isang mahalagang papel sa pagitan ng Tsina at Pransya.

 

Si Shen Haixiong, Pangulo ng CMG


Aniya, nakahanda ang CMG na gawin ang Ika-60 anibersaryo ng pagtatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pransya bilang pagkakataon upang lalo pang palakasin ang pakikipagkooperasyon sa mga media ng Pransya sa iba’t ibang larangan, at pangmatagalang katatagan at pag-unlad ng relasyong Sino-Pranses.

 

Bago ang kaganapan, nagkaroon si Shen ng isang magiliw na pagpupulong sa mga bisitang Pranses.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil