Nagpadala ng pambating liham, kahapon, Oktubre 24, 2023, sa ika-70 anibersaryo ng All-China Federation of Industry and Commerce (ACFIC), si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Pangulo ng bansa.
Bilang pagpugay sa mga gawain sa nakalipas na 70 taon, sinabi ni Xi, na pederasyon ng industriya at komeryso ay gumawa ng mahalagang kontribusyon sa pagpapaunlad ng bansa, pagsulong ng reporma at pagbubukas, at pagsisikap sa makabagong panahon.
Sa kanyang liham, hinimok ni Xi na dapat pabilisin ang malusog na pag-unlad ng di-pampublikong sektor at mga manggagawa sa sektor na ito, at pasulungin ang dekalidad na pag-unlad ng pribadong sektor.
Nanawagan si Xi sa mga indibiduwal sa pribadong sektor na ganap na isakatuparan ang pilosopiya ng bagong pag-unlad at pasulungin ang entrepreneurship, para makapag-ambag sa pagtatatag ng modernong sosyalistang bansa sa lahat ng aspekto at pasulungin ang mahusay na pagbangon ng nasyong Tsino sa lahat ng larangan.
Idinaos kahapon, sa Beijing, ang aktibidad bilang pagdiriwang sa Ika-70 anibersaryo ng ACFIC. Dumalo at nagtalumpati sa aktibidad si Wang Huning, miyembro ng Pirmihang Lupon ng Pulitiburo ng Komite Sentral ng CPC at tagapangulo ng Pambansang Komite ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC).
Salin:Sarah
Pulido:Ramil