Bagong kooperasyon, sisimulan ng CMG at AFP

2023-10-26 16:51:49  CMG
Share with:

Nilagdaan, Oktubre 25 (lokal na oras), 2023, sa Paris, Pransya, nina Shen Haixiong, Presidente ng China Media Group (CMG), at Fabrice Fries, Chairman at Chief Executive Officer ng Agence France-Presse (AFP), ang dokumentong pangkooperasyong komprehensibong magpapalakas sa pagtutulungan sa larangan ng bagong media, artipisyal na intelihensya at iba pang sektor.


Sinabi ni Shen na upang maisakatuparan ang komong palagay na narating nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya sa kanilang pagtatagpo noong nakaraang Abril, isinasagawa ng CMG ang malawak na pakikipagkooperasyon sa iba’t-ibang sirkulo ng Pransya. 


Inaasahan niyang patuloy na mapapalakas ng dalawang panig ang kooperasyon sa sektor ng internasyonal na pampublikong opinyon, tungo sa paglalahad ng pantay at makatarungang tinig. 

Kasama ni Philippe Jost, bumisita si Shen sa lugar ng rekonstruksyon ng Katedral ng Notre Dame de Paris upang pakinggan ang mga hakbangin sa muling pagtatayo ng nasabing ikonikong lugar.


Si Jost ang Presidente ng Pampublikong Establisyemento para sa Konserbasyon at Restorasyon ng Katedral ng Notre Dame de Paris.


Bukod dito, pinuntahan din ni Shen ang Pompidou National Center for Art and Culture, kasama ni Floriane de Saint Pierre, Presidente Friends of the Centre Pompidou. 


Salin:Sarah

Pulido:Rhio