Premyer Tsino, inilahad ang apat na mungkahi hinggil sa pagpapalalim ng kooperasyon ng SCO

2023-10-27 16:51:16  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati Oktubre 26, 2023, sa Bishkek, Kyrgyzstan, sa ika-22 pulong ng Konseho ng mga Puno ng Pamahalaan ng mga Kasaping Bansa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), ipinahayag ni Premyer Li Qiang ng Tsina na ang orihinal na layunin ng pagtatatag ng SCO, ay upang maiwasan ang mga panghihimasok ng mga dayuhan sa usaping pangrehiyon. Sa hinaharap aniya, sa gabay ng konsepto ng pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan para sa sangkatauhan, dapat tumahak ang mga kasaping bansa ng SCO patungo sa parehong layunin at magdulot ng positibong enerhiya para sa kapayapaan at kaunlaran ng rehiyon at buong daigdig.

 

Si Premyer Li Qiang ng Tsina (photo from Xinhua)


Inilahad ni Li ang apat na mungkahi hinggil sa pagpapalalim ng kooperasyon ng SCO: una, magkakasamang pagpapatibay ng regional security barrier, at buong tatag na paglaban sa pakikialam mula sa labas; ikalawa, magkakasamang pagpapasulong ng pagbangon ng kabuhayan, at pangangalaga sa katatagan ng industrial chain at supply chain; ikatlo, magkakasamang pagpapasulong ng kooperasyon ng “Belt and Road,” at konstruksyon ng mga mahalagang economic corridor; at ika-apat, magkakasamang pasulungin ang pagkakaunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan, at walang humpay na pagpapalalim ng kooperasyon sa edukasyon, kultura at turismo at iba pa.

 

Nilagdaan at inilabas ni Li, kasama ng mga lider ng iba pang mga miyembrong estado, ang magkakasanib na komunike, at inaprobahan din nila ang mga dokumento at resolusyon sa kooperasyon ng SCO sa ekonomiya, kalakalan, daambakal, at pagtatatag ng mekanismo.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil