Premyer Tsino: handang palalimin ang pakikipagkoordina sa Mongolia sa loob ng mga multilateral na balangkas

2023-10-27 16:05:52  CMG
Share with:


Bishkek, Kyrgyzstan – Sa kanyang pakikipagtagpo Huwebes, Oktubre 26, 2023 kay Punong Ministro Luvsannamsrai Oyun-Erdene ng Mongolia, ipinagdiinan ni Premyer Li Qiang ng Tsina na bilang magkapitbansa, ang pagkakaibigan at pagtutulungan ay laging main tone ng relasyon ng Tsina at Mongolia.

 

Kasama ng panig Mongolian, nakahanda aniya ang panig Tsino na ipatupad ang mga komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, palaganapin ang tradisyon ng pagkakaibigan, patibayin ang pagtitiwalaang pulitikal, at palakasin ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng konektibidad ng mga puwerto, kabuhaya’t kalakalan, berdeng pag-unlad at iba pa.

 

Kailangan ding palalimin ng kapuwa panig ang koordinasyon sa loob ng mga multilateral na balangkas na gaya ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), upang ipagkaloob ang mas maraming lakas-panulak sa sarili nilang pag-unlad at pag-ahon, dagdag ni Li.

 

Inihayag naman ng punong ministro ng Mongolia ang kahandaang palakasin ang kakayahan ng purok-hanggahan at mga puwerto, pasulungin ang kooperasyon ng Belt and Road, palalimin ang kooperasyon sa kalakalan, turismo at iba pang larangan, at pasulungin ang bilateral na relasyon sa mas mataas na antas.

 

Nang araw ring iyon, magkakahiwalay na kinatagpo rin ni Li sina Mohammad Mokhber, Unang Pangalawang Pangulo ng Iran, at Kokhir Rasulzoda, Punong Ministro ng Tajikistan, sa sidelines ng Ika-22 Pulong ng Konseho ng mga Puno ng Pamahalaan ng SCO.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil