Kabuhayan ng rehiyon ng Davao, pinasisigla ng merkadong Tsino –direktor ng DA Region 11

2023-10-27 10:16:00  CMG
Share with:


Sa eksklusibong panayam kamakailan ng China Media Group – Filipino Service (CMG-FS) kay Abel James Monteagudo, Direktor ng Regional Field Office XI ng Kagawaran ng Agrikultura (DA Region 11), sinabi niyang ang pagluluwas ng sariwang durian sa Tsina ay nagbibigay ng karagdagang kita sa lunsod Davao at malakas na nagpapasigla sa kabuhayan ng rehiyon.

 

Sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Tsina noong unang dako ng kasalukuyang taon, isang magkasanib na pahayag sa pagpapabuti ng kooperasyon sa iba’t-ibang larangan ang ipinalabas.

 

Isa sa mga natamong bunga ng nasabing pagbisita ay konsenso sa pagluluwas ng sariwang durian sa Tsina.

 

Video: Kulas

Pulido: Rhio/ Jade