Xi Jinping: Buuin ang malakas na kamulatan ng komunidad ng nasyong Tsino

2023-10-28 17:44:22  CMG
Share with:

Sa isang group study session ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na idinaos kahapon, Oktubre 27, 2023, sa Beijing, binigyang-diin ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa, ang pagbuo ng malakas na kamulatan ng komunidad ng nasyong Tsino ay pangunahing target ng mga gawaing pangnasyonalidad ng Tsina.

 

Sinabi ni Xi, na ang iba’t ibang grupong etniko ng Tsina ay kabilang sa buong nasyong Tsino, at magkakasama silang lumikha ng sibilisasyong Tsino.

 

Dagdag niya, patuloy na pahahalagahan ng CPC ang mga suliranin ng iba’t ibang grupong etniko at mga gawaing pangnasyonalidad, at buong seryosong hahawakan ang relasyon sa pagitan ng iba’t ibang grupong etniko.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos