Xi Jinping, nagpatawag ng pulong sa rebitalisasyon ng hilagang silangang bahagi ng Tsina

2023-10-28 17:43:02  CMG
Share with:

Ipinatawag kahapon, Oktubre 27, 2023, sa Beijing, ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, ang pulong ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC, para suriin ang isang patnubay tungkol sa mga patakaran at hakbangin sa pagpapasulong ng mga bagong breakthrough sa ganap na rebitalisasyon ng hilagang silangang bahagi ng bansa.

 

Ang ganap na rebitalisasyon ng hilagang silangang bahagi ng Tsina ay estratehiyang inilabas ng Komite Sentral ng CPC noong 20 taon ang nakararaan.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Xi, na sa harap ng mga malaking pagkakataong dulot ng bagong panahon, kailangang itakda ang mga bagong patakaran at hakbangin bilang pagpapalakas ng kompiyansa at pagsuporta sa patuloy na pagpapatupad ng naturang estratehiya, para lubos na patingkarin ang mga bentahe ng hilagang silangang bahagi ng bansa sa likas na yaman, pundasyong industriyal, lokasyong heograpikal, at potensyal sa pag-unlad, at pasulungin ang pagtahak ng lugar na ito sa landas ng de-kalidad at sustenableng rebitalisasyon.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos