Eksibisyong "Journey Through Civilizations" ng CMG, sinimulan sa Ehipto

2023-10-28 17:52:13  CMG
Share with:

 

Sa pagtataguyod ng China Media Group (CMG), sinimulan, Oktubre 26, 2023, sa China Cultural Center sa Cairo, Ehipto, ang pandaigdigang eksibisyong "Journey Through Civilizations."

 

Lumahok sa seremonya ng pagbubukas ang mahigit 100 personahe, na kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa Embahada ng Tsina sa Ehipto, at mga tauhan ng mga sirkulo ng kultura at media ng Ehipto.

 

Sa kanya namang video message sa seremonya, sinabi ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG, na layon ng pagtataguyod ng eksibisyong ito sa Ehipto na palakasin ang pagpapalitang kultural sa pagitan ng Tsina at mga bansang Arabe, pasulungin ang diyalogo sa pagitan ng sibilisasyong Tsino at sibilisasyong Arabe, at bigyang-ambag ang pagpapalalim ng pagkakaunawa sa isa’t isa ng mga mamamayan ng Tsina at mga bansang Arabe.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos