Resolusyon sa kalagayan ng Palestina at Israel, pinagtibay ng UN

2023-10-30 17:36:06  CMG
Share with:

Pinagtibay kamakailan ng pangkagipitang espesyal na sesyon ng Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UN) ang isang resolusyon hinggil sa isyu ng Palestina at Israel.


Nakalahad dito ang panawagan ng mga bansang Arabe sa agarang pagsasakatuparan ng tigil-putukan.


Kaugnay nito, ipinahayag Oktubre 30, 2023, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Minsitring Panlabas ng Tsina, na ipinakikita nito ang malakas tinig ng internasyonal na komunidad para sa tigil-putukan, at paninindigan ng mundo sa isyu ng digmaan at kapayapaan. 

Ani Wang, sapul nang sumiklab ang alitan sa pagitan ng Palestina at Israel, agarang ipinanawagan ng Tsina ang tigil-putukan, pangangalaga sa mga sibiliyan, at pagbubukas ng makataong koridor para maiwasan ang mas malaking krisis. 


Ang Tsina aniya ay gumaganap ng positibo at konstruktibong papel sa pagpapasulong ng ganap, makatarungan, at pangmalayuang kalutasan sa isyu ng Palestina at Israel.


Umaasa ang Tsina na komprehensibong maisasakatuparan ang mga may-kinalamang resolusyon, babalik ang kapayapaan at katatagang panrehiyon, agarang mapapahupa ang makataong kalagayan, mabisang maigagarantiya ang kaligtasan ng mga sibiliyan, at malulutas ang nasabing isyu sa lalong madaling panahon, paliwanag pa ni Wang.


Ang Tsina ay co-sponsor ng naturang resolusyon. 


Salin:Sarah

Pulido:Rhio