Higit 8,000 Palestino, patay sa atake ng Israel sa Gaza Strip – Hamas

2023-10-30 16:21:01  CMG
Share with:

Inihayag, Linggo, Oktubre 29, 2023 ng Ministri ng Kalusugan na pinatatakbo ng Hamas, na 8,005 katao, na kinabibilangan ng 3,342 batang Palestino ang nasawi sa pag-atakeng inilunsad ng Israel sa Gaza Strip.

 

Hanggang sa kasalukuyan, mahigit 20,000 Palestino ang nasugatan sapul nang sumiklab ang labanan, dagdag ng ministri.

 

Matatandaang noong Oktbure 7, inilunsad ng militanteng Hamas ang biglaang pag-atake laban sa mga target-militar at mamamayang Israeli, na ikinamatay ng di-kukulangin sa 1,400 katao.

 

Bilang ganti, sinimulan ng Israeli ang malawakang airstrike at mga operasyong panlupa sa Gaza Strip.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio