Tsina: Resolusyon ng UNGA sa tigil-putukan sa pagitan ng Israel at Palestina, dapat agarang ipatupad

2023-11-02 16:08:18  CMG
Share with:

Kaugnay ng kasalukuyang tension sa pagitan ng Palestina at Israel, ipinahayag Nobyembre 1, 2023, ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang paghimok ng kanyang bansa sa mga kinauukulang panig, partikular, sa Israel, na magtimpi, aktuwal na ipatupad ang resolusyong pinagtibay ng United Nations General Assembly (UNGA) noong Oktubre 27, 2023, agarang isagawa ang tigil-putukan, pangalagaan ang mga sibiliyan, at agarang magbukas ng makataong tsanel, para maiwasan ang mas malaking krisis.

 


Aniya, ipinahayag ng Tsina ang pagkagimbal at pagkondena sa naganap na pag-atake sa mga refugee camp sa Gaza na nagdulot na malaking kasuwalti.

 

Patuloy aniyang gaganapin ng Tsina, sa United Nations Security Council (UNSC), ang aktibo at konstruktibong papel para pasulungin ang tigil-putikan, igarantiya ang kaligtasan ng mga sibiliyan, at hanapin ang komprehensibo, makatarungan at pangmalayuang kalutasan sa isyu ng Palestina at Israel sa lalong madaling panahon.

 

Sa magkakahiwalay na okasyon, ibinigay ng Tsina ang humanitarian cash aid sa Palestinan National Authority at United Nations Relief and Works Agency for Palestine Refugees in the Near East (UNRWA), at ipinagkaloob din ang mga pagkain at gamot sa mga mamamayan sa Gaza Strip, dagdag ni Wang.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio