Xi Jinping sa CIIE: Lubos na ganapin ang papel bilang plataporma ng pagbubukas sa labas

2023-11-05 15:02:41  CMG
Share with:

Ipinadala ngayong araw, Nobyembre 5, 2023, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe sa Ika-6 na China International Import Expo (CIIE), bilang pagtataguyod sa mahalagang papel ng ekspong ito sa pagpapabilis ng pagbuo ng Tsina ng bagong kayariang pangkaunlaran at pagpapasulong ng pandaigdigang kabuhayan.

 

Sinabi ni Xi, na sa kasalukuyan, mahina ang lakas na tagapagpasulong sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, at kailangang magkakasamang pagtagumpayan ng iba’t ibang bansa ang mga kahirapan.

 

Buong tatag aniyang pasusulungin ng Tsina ang de-kalidad na pagbubukas sa labas, para magbigay ng pagkakataon sa pag-unlad ng buong mundo.

 

Ipinahayag ni Xi ang pag-asang lubos na gaganapin ng CIIE ang papel bilang plataporma ng pagbubukas sa labas, para maging pamilihang pinagbabahaginan ng daigdig ang pamilihang Tsino, at magbigay ng ambag sa pagbuo ng bukas na kabuhayang pandaigdig.


Editor: Liu Kai