Xi Jinping, nakikiramay sa Nepal kaugnay ng malakas na lindol

2023-11-05 15:47:17  CMG
Share with:

Sa kanyang mensahe, kahapon, Nobyembre 4, 2023, kay Pangulong Ram Chandra Poudel ng Nepal, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pakikiramay sa malaking kasuwalti na dulot ng malakas na lindol sa Nepal.

 

Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, nakidalamhati si Xi sa mga nasawi, at nakiramay sa kani-kanilang pamilya at mga nasugatan.

 

Nakahanda ang Tsina na magkaloob ng kinakailangang tulong sa Nepal, dagdag niya.


Editor: Liu Kai