Ika-6 na CIIE, binuksan: 17-kompanyang delegasyong Pilipino, kalahok

2023-11-05 15:07:16  CMG
Share with:

Binuksan ngayong araw, Nobyembre 5, 2023 sa National Exhibition and Convention Center (NECC), Shanghai, gawing silangan ng Tsina ang Ika-6 na China International Import Expo (CIIE).

Sa kanyang pambungad na talumpati, sinabi ni Premyer Li Qiang ng bansa, na “nais ng Tsina na sinserong makatrabaho at makasama ang lahat ng bansa sa mundo sa pag-abot ng mga mutuwal na layunin sa dakilang entablado ng pagbubukas.”

Ang CIIE ay isang platapormang pangkalakalan at pampamumuhunang nagbibigay ng malaking benepisyo sa mga kompanya ng maraming bansa, sa pamamagitan ng pagpapadali ng proseso ng pagluluwas sa merkadong Tsino.

Hatid din nito ang pangmalayuang one-stop na serbisyo sa online at offline na transaksyon; at nagpapalakas ng proteksyon sa pagmamay-ari ng likhang-isip at karapatan sa ari-arian, at nagsasanggalang sa interes ng mga negosyante.

Kaugnay nito, bubuksan bukas, Nobyembre 6, 2023 sa Hall 1.1 ng NECC ang Pabilyon ng Pilipinas, kung saan, ipo-promote ang mga produktong Pilipinong kinabibilangan ng durian, kape, pinatuyong mangga, produktong niyog, saging chip, at marami pang iba.

Ang durian, ay ang magiging sentro ng eksibisyon ng bansa.

Samantala, ipo-promote din sa mga kompanyang Tsino ang mga oportunidad pampamumuhunan ng Pilipinas sa mga sektor na gaya ng agrikultura, turismo, teknolohiya, at e-komersyo.

Labing-pitong (17) lokal na negosyante ang bumubuo sa delegasyon ng Pilipinas, at kabilang sa mga ito ay:

Kompanya

Ispesyalisasyon

1.      See’s International Food   Manufacturing Corporation

·           Banana chips

2.      Profood International Corporation

·           Dried fruits 

3.      Raspina Tropical

·           Fresh fruits

4.      Eng Seng Food Products

·           Frozen durian

5.      Lionheart Farms Philippine   Corporation

·           Coconut products

6.      GERB Golden Hands

·           Fresh cavendish banana

7.      AVANTE Agri-Products Philippines,   Inc.

·           Fresh fruits

8.      Sam Lim Corporation

·           Snacks and beverages

9.      Excellent Quality Goods Supply Corporation

·           Banana chips and dried mangoes

10.  Maylong Enterprises Corporation

·           Fresh/Frozen durian

11.  Coffee Collective of the   Philippines, Inc.

·           Coffee

12.  SQ Fresh Fruit Corporation

·           Fresh/Frozen durian

13.  Eng Seng Group of Companies, Inc.

·           Fresh/Frozen durian

14.  Republic Biscuit Corporation

·           Snacks/Biscuits

15.  Fisher Farms, Inc.

·           Milkfish and shrimp products

16.  Century Pacific Agricultural Ventures, Inc

·           Coconut Products

17.  Durian   Industry Association of Davao City

·           Fresh Durian

Reporter: Rhio Zablan at Ernest Wang