Bubuksan bukas, Nobyembre 6, 2023, sa Hall 1.1 ng National Exhibition and Convention Center (NECC), Shanghai, gawing silangan ng Tsina ang Pabilyon ng Pilipinas sa Ika-6 na China International Import Expo (CIIE), kung saan, ipo-promote ang mga produktong Pilipinong kinabibilangan ng durian, kape, pinatuyong mangga, produktong niyog, saging chip, at marami pang iba.
Ang durian, ay ang magiging sentro ng eksibisyon ng bansa.
Samantala, ipo-promote din sa mga kompanyang Tsino ang mga oportunidad pampamumuhunan ng Pilipinas sa mga sektor na gaya ng agrikultura, turismo, teknolohiya, at e-komersyo.
Labing-pitong (17) lokal na negosyante ang bumubuo sa delegasyon ng Pilipinas.
Reporter: Rhio Zablan at Ernest Wang