Kalakalang panlabas ng Tsina nitong Oktubre, bumuti

2023-11-07 16:39:19  CMG
Share with:

Ayon sa estadistika na ipinalabas ngayong araw, Nobyembre 7, 2023 ng General Administration of Customs ng Tsina, umabot sa 34.32 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat ng kalakalan ng mga paninda ng Tsina noong unang 10 buwan ng taong 2023, at ang year-on-year cumulative growth rate ay lumaki ng 0.03% mula sa maliit na pagbaba nito sa 0.2% noong unang tatlong kuwarter.

 

Umabot sa 3.54 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat noong Oktubre 2023 at ang monthly cumulative growth rate nito ay lumaki ng 0.9% mula sa sunud-sunod na pagbaba nito ng 4 na buwan mula noong Hunyo.

 

Ayon kay Lv Daliang, direktor ng naturang administrasyon, tumaas ang proporsyon ng kompanya na mayroong optimistikong pakikitungo sa pagluluwas at pag-aangkat sa hinaharap, lalo pang lumitaw ang pagkakaroon ng mabuting kalakalang panlabas ng Tsina.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil