Bilang ng nasawi dahil sa atake ng militar ng Israel, mahigit 10,000

2023-11-07 16:33:24  CMG
Share with:

Ipinalabas kahapon, Nobyembre 6, 2023, ng departamentong pangkalusugan ng Palestina sa Gaza Strip ang isang pahayag na nagsasabing 10,022 na ang nasawi at mahigit 25,000 ang sugatan dahil sa atake ng tropang Israeli sa Gaza sapul nang sumiklab ang bagong round ng alitan sa pagitan ng Palestina at Israel.

 


Anang pahayag, kabilang sa mga nasawi ay mahigit 4,100 kabataan at mahigit 2,600 kababaihan. Ikinamatay ng 252 katao ang aksyong militar ng Israel sa Gaza nitong nakaraang ilang oras.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil