Mga bansang panauhin ng Ika-6 na CIIE: ang Tsina ay palagiang mahalagang pagkakataon ng pag-unlad ng buong daigdig

2023-11-07 16:25:51  CMG
Share with:

Idinaos offline ng Ika-6 na China International Import Expo (CIIE) ang National Comprehensive Exhibition kung saan nilahukan ito ng 69 na bansa at 3 internasyonal na organisasyon.

 


Kabilang sa mga bansang panauhin ay ang Biyetnam, Timog Aprika, Kazakhstan, Serbia at Honduras. Ito ang kauna-unahang pagkakataon ng Honduras na lumahok sa CIIE.

 

Ipinahayag ng mga panauhing bansa na sa kasalukuyan, hindi sapat ang puwersang tagapagpasulong ng pagbangon ng ekonomiya ng buong daigdig, pero ang Tsina ay palagiang mahalagang pagkakataon para sa pag-unlad ng buong mundo.

 

Patuloy na pinapasulong ng Tsina ang de-kalidad na pag-unlad sa pamamagitan ng pagbubukas sa labas sa mataas na lebel, walang humpay na inilalabas nito ang mga bagong bentahe bilang malalaking merkado, na nagdudulot ng kasiglahan para sa pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil