CMG Komentaryo: CIIE, nagdudulot ng kompiyansa at lakas para sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig

2023-11-06 16:10:26  CMG
Share with:

Minamarkahan ng taong 2023 ang ika-45 anibersaryo ng patakaran ng reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina, at ito rin ang ika-10 anibersaryo ng magkakasamang pagtatatag ng “Belt and Road.”

 

Binuksan Nobyembre 5, 2023, sa Shanghai, ang Ika-6 na China International Import Expo (CIIE) na mayroong espesyal na katuturan sa taong ito,

 


Inilahad ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa pagkakataong ito ang mga sumusunod na inaasahan sa ika-6 na CIIE: pagpapabilis ng pagbuo ng isang bagong kayarian ng pag-unlad; pagbibigay ng lubos na papel ng isang plataporma para sa pagpapasulong ng mataas na lebel ng pagbubukas sa labas; pagkakaloob ng mas mahusay na serbisyo sa pandaigdigang pampublikong kalakal at ibinabahagi ng buong mundo.

 

Isasapubliko sa ika-6 na CIIE ang 442 bagong produkto, teknolohiya at serbisyo na umaakit ng mas maraming mamimili, na maaaring pabilisin ang pagpasok ng mas maraming de-kalidad na produkto sa pamilihang Tsino, at ipagkakaloob ang bagong pagkakaton para sa buong dagidig sa pamamagitan ng pag-unlad ng Tsina.

 

Bukod dito, ilalahad sa ika-6 na CIIE ang isang serye na mga hakbangin ng pagbubukas sa labas, upang magbigay ng mas mahusay na serbisyo para sa pag-unlad ng mga multinasyunal na negosyo.

 

Kabilang sa 72 kalahok sa National Exhibition ng ika-6 na CIIE, 64 na bansa rito ang magkakasamang nagtatatag ng Belt and Road Initiative (BRI); kabilang dito ang mahigit 3,400 pandaigdigang kumpanya sa Enterprise Exhibition; 1,500 kumpanya na nauugnay sa mga bansang magkakasamang itinatag ang BRI.

 

Ang CIIE ay pampublikong produkto ng buong mundo. Sa hinaharap, mas mahusay na igigiit ng CIIE ang tunay na multilateralismo at isusulong nito ang pagtatatag ng bukas na pandaigdigang ekonomiya.

 

Sa panahon na mahina ang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, magdudulot ang CIIE ng kompiyansa at lakas para sa buong mundo.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil