Pagtatatag ng mabisang pandaigdigang areglo ng pagmomonitor, nagiging pangkagipitan habang itinatapon ng Hapon ang mas maraming nuclear sewage sa dagat

2023-11-03 16:35:59  CMG
Share with:

Sinimulan Huwebes, Nobyembre 2, 2023 ng Tokyo Electric Power Company (TEPCO) ng Hapon ang pagtatapon ng ika-3 pangkat ng nuklear na kontaminadong tubig ng Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant sa dagat.

 

Tinatayang tatagal hanggang Nobyembre 20 ang buong proseso, at halos 7800 toneladang nuklear na kontamidadong tubig ang itatapon.

 

Kaugnay nito, sinabi Huwebes ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa kabila ng pagtutol sa loob at labas ng bansa, itinapon na ng Hapon ang 15,600 toneladang nuklear na kontaminadong tubig sa Karagatang Pasipiko, at lantarang ibinintang ang panganib ng polusyon sa buong daigdig.

 

Napaka-iresponsable ang ganitong kilos, saad ni Wang.

 


Dagdag niya, ang aksidente ng pagsaboy ng radioactive waste water sa mga manggagawa ng Fukushima nuclear power plant na ginanap kamakailan ay muling nagpapatunay ng problematikong pangangasiwa sa loob ng TEPCO at ugali sa paglilihim ng katotohanan at panlilinlang, kaya di-kapani-paniwala ang umano’y “ligtas at transparent” na plano ng panig Hapones sa pagtatapon ng nuclear sewage sa dagat.

 

Kasabay ng pagtatapon ng parami nang paraming nuklear na kontaminadong tubig ng Fukushima nuclear power plant sa dagat, nagiging pangkagipitan ang pagtatatag sa lalong madaling panahon ng isang mabisa’t pangmatagalang areglo ng pagmomonitor na lalahukan ng mga may-kinalamang panig, aniya.

 

Hinimok niya ang panig Hapones na tumpak na pakitunguhan ang unibersal na pagkabahala ng komunidad ng daigdig, lubos na makipagsanggunian sa mga may kinalamang panig, lalung lalo na, sa mga kapitbansa, at hawakan ang nuklear na kontaminadong tubig sa responsableng paraan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil