Ayon sa isang ulat na ipinalabas kahapon, Nobyembre 8, 2023, ng Chinese Academy of Cyberspace Studies, ang rate ng paglaki ng paggamit ng internet ng 15 sa 21 di maunlad na bansa ay mas mataas kaysa sa ilang mauunlad na bansa.
Ayon sa naturang ulat na may pamagat na World Internet Development Report 2023 na ipinalabas sa 2023 World Internet Conference (WIC) Wuzhen Summit, ang pag-unlad na ito ay nauugnay sa pagpapasigla ng Belt and Road Initiative (BRI), lalo na ang Digital Silk Road.
Sinuri din sa ulat ang kalagayan ng pag-unlad ng internet sa 52 bansa at rehiyon sa buong dagidig. Sinabi rito na nangungunang 10 bansa na may pinakamataas na lebel ng pag-unlad ng internet ay Amerika, Tsina, Singapore, Netherlands, Timog Korea, Finland, Sweden, Hapon, Kanada at Pransya.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil