Tsina, nananatiling “angkla at pinagmumulan ng lakas” para sa pandaigdigang paglago - tagapagsalita ng FM

2023-11-09 16:01:31  CMG
Share with:

Ipinahayag Nobyembre 8, 2023, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Tsina ay nananatiling “angkla at pinagmumulan ng lakas” para sa pandaigdigang paglago ng ekonomiya.

 


Sinabi ito ni Wang pagkatapos ng pagtaya ng International Monetary Fund (IMF) na lalaki nang 5.4% sa 2023 at 4.6% sa 2024 ang real gross domestic product (GDP) ng Tsina, na kapwa tataas nang 0.4% punto kumpara sa World Economic Outlook na inilabas nitong Oktubre.

 

Sinabi Martes, ni Gita Gopinath, First Deputy Managing Director ng IMF, na ang ekonomiya ng Tsina ay nasa tamang landas para maisakatuparan ang target na paglaki sa 2023 na itinakda ng pamahalaan, na nagpapakita ng malakas na pagbangon pagkapos ng COVID.

 

Ang pinakahuling pagtaya ng IMF ay dumating pagkatapos ng pagpapataas kamakailan ng JPMorgan, UBS, Deutsche Bank at ibang institusyong pinansyal ng kanilang pagtaya sa kabuhayang Tsino.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil