Xi Jinping, sinuri ang rekonstruksyon sa mga lugar na nasalanta ng baha

2023-11-11 08:57:57  CMG
Share with:

 

Pumunta kahapon, Nobyembre 10, 2023, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa ilang lugar sa Beijing at lalawigang Hebei na apektado ng baha noong Hulyo at Agosto ng taong ito, para suriin ang kalagayan ng rekonstruksyon.

 


Habang lumalapit ang taglamig sa mga lugar na ito, binigyang-diin ni Xi, na pag-ibayuhin ang pagsisikap sa rekonstruksyon, para tiyakin ang ligtas at maginhawang pamumuhay ng mga lokal na mamamayan.

 


Hiniling din niyang pabilisin ang pagtatayo ng mga pasilidad ng pag-iwas ng baha, pabutihin ang sistema ng pangangasiwa sa kagipitan, at palakasin ang mga kakayahan sa paglaban sa kalamidad, pagbabawas ng kapinsalaang dulot ng kalamidad, at pagliligtas sa panahon ng kalamidad.


Editor: Liu Kai