Taunang pulong ng cross-Strait entrepreneurs summit, binati ni Xi Jinping

2023-11-14 16:12:09  CMG
Share with:

Isang liham na pambati ang ipinadala Martes, Nobyembre 14, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa taunang pulong bilang pagdiriwang sa ika-10 anibersaryo ng summit ng mga mangangalakal sa magkabilang pampang ng Taiwan Strait sa taong 2023.

 

Tinukoy ni Xi na ang nasabing summit ay importanteng plataporma para sa pagpapalitan at pagtutulungan ng mga personahe ng mga bahay-kalakal at sirkulong komersyal ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait, at ginampanan nito ang mahalagang papel sa pagpapasulong sa kooperasyong ekonomiko at pagpapalalim ng integradong pag-unlad ng magkabilang pampang.

 

Umaasa aniya siyang pagbubuklod-buklurin ng summit ang mga bahay-kalakal at sirkulong komersyal ng magkabilang pampang, upang gawin ang bagong ambag sa pagpapalakas ng kabuhayan ng Nasyong Tsino, pagpapahigpit ng biyaya ng mga kababayan, at pagpapasulong sa reunipikasyon ng inang bayan.

 

Diin ni Xi, patuloy na pasusulungin ang pagpapalitan at pagtutulungang pangkabuhayan ng magkabilang pampang, palalalimin ang integradong pag-unlad sa iba’t ibang larangan, i-ooptimisa ang mga sistema at patakaran sa pagpapahigpit ng biyaya ng mga kababayan, at tutulungan ang mga kababayan at kompanyang Taiwanese na sumali sa bagong kayariang pangkaunalran, at isakatuparan ang de-kalidad na pag-unlad.

 

Sa ilalim ng temang “Integradong Pag-unlad at De-kalidad na Pag-unlad sa Bagong Kayarian,” binuksan ngayong araw sa Nanjing, lalawigang Jiangsu ng bansa ang nasabing taunang pulong.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil