Cross-Straits demonstration zone ng integradong pag-unlad, itatayo ng Tsina

2023-09-13 14:45:59  CMG
Share with:

Ayon sa isang sirkular na magkasamang inilabas Martes, Setyembre 12, 2023 ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Konseho ng Estado, gagawing demonstration zone para sa integradong pag-unlad sa pagitan ng Taiwan Strait ang lalawigang Fujian ng bansa.

 

Layon nitong palalimin ang integradong pag-unlad ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait, at pasulungin ang mapayapang reunipikasyon ng inang bayan.

 

Inilista rin ng sirkular ang mga pangkalahatang kahilingan at 21 konkretong hakbangin sa pagtatayo ng sonang ito.

 

Anang sirkular, i-ooptimisa ang mga patakaran at sistema, upang mapabuti ang biyaya ng mga kababayang Taiwanes, at igarantiya ang pagtatamasa nila ng pantay na tratado ng mga mainland counterpart.

 

Tinatarget ng kampanyang ito na gawing unang piling destinasyon ng paghahangad ng mga residente ng Taiwan ng pag-unlad sa mainland ang Fujian.

 

Sa gayo’y magiging mas maalwan ang kalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait, at magiging mas malawak at mas malalim ang pagpapalitan at pagtutulungan ng magkabilang pampang.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Lito