Xi: paglulunsad ng cold war o hot war laban sa sinuman, ayaw ng Tsina

2023-11-16 15:15:37  CMG
Share with:

San Francisco, Amerika – Sinabi Miyerkules (local time), Nobyembre 15, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na hindi ilulunsad ng kanyang bansa ang cold war o hot war laban sa sinuman.

 

Kahit anong hakbang ng pag-unlad ang aabutin, magpakailanma’y hindi maghahangad ang Tsina ng hegemonismo at ekspansyon, at hindi magpapataw ng sariling mithiin sa iba, dagdag niya.

 

Winika ito ni Xi sa isang bangketeng panalubong na inihandog ng mga mapagkaibigang organisasyon sa Amerika.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil