Sa kanyang talumpati, Nobyembre 16, 2023 (lokal na oras) sa di-pormal na diyalogo at working lunch kasama ang mga panauhin at mga lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa San Francisco, Amerika, inihayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang paghanga sa positibong papel ng APEC sa pagtataguyod ng sustenableng pag-unlad.
Nanawagan din siya sa APEC na palakasin ang komong palagay at magkakasamang isagawa ang mga aksyon, tungo sa pagkakaroon ng mas malakas na puwersang magsusulong sa sustenableng pag-unlad ng buong mundo, sa pamamagitan ng pagpapatupad ng United Nations 2030 Agenda for Sustainable Development, pagbuo ng bagong landas tungo sa berdeng pag-unlad, at pagpapalakas ng pagtutulungan bilang tugon sa pagbabago ng klima.
Dagdag niya, sa pamamagitan ng kooperasyon sa berdeng imprastruktura, berdeng enerhiya, at berdeng komunikasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative, at kasama ng iba’t-ibang panig, magpupunyagi ang Tsina para magbigay ng mas malaking ambag sa pagtatatag ng komunidad ng pag-unlad ng daigdig at paglikha ng malinis at magandang mundo.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan