Ika-70 anibersaryo ng pagsasarili ng Kambodya, binati ng pangulong Tsino

2023-11-10 12:22:51  CMG
Share with:

Isang mensaheng pambati ang ipinadala Huwebes, Nobyembre 9, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Haring Norodom Sihamoni ng Kambodya, kaugnay ng ika-70 anibersaryo ng pagsasarili ng Kambodya.

 

Tinukoy ni Xi na nitong nakalipas na ilang taon, iginiit ng mga mamamayang Kambodyano ang pagtahak sa landas ng pag-unlad na angkop sa kalagayan ng sariling bansa, at walang tigil na natamo ang mga makabagong tagumpay sa konstruksyon ng bansa.

 

Aniya, bilang tradisyonal na mapagkaibigang kapitbansa ng Kambodya, buong tatag na susuportahan ng Tsina, tulad ng dati, ang pangangalaga ng Kambodya sa katatagan, pagpapasulong sa kaunlaran, at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.

 

Diin ni Xi, ang kasalukuyang taon ay ika-65 anibersaryo ng pagkakatatag ng ugnayang diplomatiko ng Tsina at Kambodya at taon ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.

 

Kasama ni Haring Sihamoni, nakahanda aniya siyang palakasin ang estratehikong patnubay sa bilateral na relasyon, at magkakapit-bisig na itatag ang de-kalidad, mataas na lebel, mataas na pamantayang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Kambodya sa makabagong panahon.

 

Nang araw ring iyon, nagpadala rin si Xi ng mensaheng pambati kay Samdech Techo Hun Sen, Presidente ng Cambodian People's Party.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil