Sa pakikipagtagpo Huwebes, Oktubre 19, 2023 sa Beijing kay Punong Ministro Hun Manet ng Kambodya, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ihahatid ng kooperasyon ng Belt and Road Initiative (BRI) ang mga aktuwal na pagkakataong pangkaunlaran sa Kambodya.
Batay sa simulain ng “magkasamang pagtalakay, pagtatatag at pagbabahagi,” nakahanda aniyang pasulungin ng Tsina ang sinerhiya ng BRI at Pentagon Strategy ng Kambodya; mabilis na pasaganain ang cooperation consensus ng "diamond hexagon;” mainam na itayo ang Industrial Development Corridor at Fish and Rice Corridor; at hayaang ihatid ng kaunlaran ng Tsina ang mas maraming dibidendo para sa mga Kambodyano.
Winewelkam ng panig Tsino ang pagpasok ng mas maraming produktong agrikultural ng Kambodya sa merkadong Tsino, at papayuhan ang mas maraming turistang Tsino na maglakbay sa Kambodya, dagdag ni Xi.
Saad naman ni Hun Manet, nagkakaloob ng mahalagang pagkakataon at plataporma para sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig ang serye ng mahahalagang inisiyatibang iniharap ni Pangulong Xi, kaya aktibong sinusuportahan ng Kambodya ang mga ito.
Nakahanda ang Kambodya na samantalahin ang pagkakataon ng ika-65 anibersaryo ng ugnayang diplomatiko ng dalawang bansa, upang palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan, at itayo ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Kambodya at Tsina.
Salin: Vera
Pulido: Rhio