Op-ed: Relasyong Sino-Amerikano, masusi sa kinabukasan ng mundo

2023-11-18 11:54:39  CMG
Share with:


Nobyembre 15 (lokal na oras), 2023, nagtagpo sa San Francisco sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Joe Biden ng Amerika.


Matapat at malalimang nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang lider tungkol sa relasyong Sino-Amerikano at mga mahahalagang isyung may kaugnayan sa kapayapaan at kaunlarang pandaigdig.


Pinakamahalagang bilateral na relasyon sa kasalukuyang daigdig ang relasyong Sino-Amerikano. Ito ay nakakaapekto ng malaki hindi lamang sa pundamental na kapakanan ng dalawang bansa, kundi sa pangkalahatang kalagayan ng kapayapaan at kaunlarang pandaidig.


Ibig sabihin, ang direksyon ng pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano ay masusi sa kapalaran ng sangkatauhan at kinabukasan ng mundo.

Sapat na laki ang mundo para magkasamang umunlad ang Tsina at Amerika


Sa kabila ng napakalayong distansya, may napakahabang kasaysayan ng pagpapalitan at pagtutulungan sa pagitan ng mga mamamayang Tsino at Amerikano.


Sa kapipinid na Ika-6 na China International Import Expo (CIIE), lumahok dito ang mahigit 200 kompanyang Amerikano, at naitatag sa unang pagkakataon ang pambansang pabilyon sa CIIE; matagumpay na nagtanghal kamakailan sa National Centre for the Performing Arts, Beijing ang Philadelphia Orchestra bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng una nitong pagbisita sa Tsina; madalas ding bumisita kamakailan sa Tsina ang mga beteranong akademikong personaheng Amerikano.


Samantala, nagiging mainit ang pagpapalagayang opisyal ng Tsina at Amerika.


Magkakasunod na bumiyahe kamakailan sa Tsina sina Antony Blinken, Kalihim ng Estado, Janet L. Yellen, Kalihim ng Tesorarya, John Forbes Kerry, espesyal na sugo sa isyu ng klima, at Gina Raimondo, Kalihim ng Komersyo ng Amerika.


Lumalakas nang lumalakas ngayon ang positibong interaksyon sa pagitan ng dalawang bansa.


Sa simpleng salita, ang relasyong Sino-Amerikano ay dapat magkaroon ng mutuwal na kapakinabangan tungo sa panalu-nalong resulta sa halip ng zero-sum game.


Maaaring magtulungan ang kapwa panig upang mapalaki ang kanilang komong kapakanan.


Kung paanong makikipamuhayan ang Tsina at Amerika ay masusi sa kinabukasan at kapalaran ng sangkatauhan


Napapatunayan ng katotohanan na kayang manaig ang mga mamamayang Tsino at Amerikano sa pagkakaibang tulad ng sistemang panlipunan, kultura, at wika upang maitatag ang malalim na pagkakaibigan.


Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (WWII), bilang matalik na kaibigan ng isa’t-isa, ipinakita sa digmaan ng Tsina at Amerika ang dakilang pagkakaibigan at diwa ng sakripisyo, bagay na nakapagbigay ng napakalaking ambag sa kapayapaang pandaigdig; noong 2001, nagtulungan ang Tsina at Amerika sa paglaban sa terorismo; noong 2008, magkasama silang nakahulagpos sa pandaigdigang krisis ng pinansiya; noong 2016, isinulong nila ang pagkakaroon ng “Paris Agreement” hinggil sa pagbabago ng klima.


Halos lahat ng usapin tungkol sa pagsasa-ayos at pag-unlad ng mundo, ay nangangailangan ng pundamental na napagkasunduan at magkasamang pagsisikap ng Tsina at Amerika.


Sa kasalukuyang daigdig, kinakaharap ng buong sangkatauhan ang mga di-katuld na hamong gaya ng pagbabago ng klima, digmaang nuklear at malawakang sagupaan, at pandemiya, na direktang nakakaapekto sa ekstensiya at kinabukasan ng sangkatauhan.


Upang harapin ang mga hamong ito, kinakailangan ang magkakasamang pagpupunyagi ng komunidad ng daigdig na kinabibilangan ng Tsina at Amerika.


Nananatiling pangunahing tema ng kasalukuyang pandaigdig ang kapayapaan at kaunlaran. Di maihihiwalay ang kapayapaan sa kaunlaran, at kinakailangan naman ng kaunlaran ang kapayapaan.


Pagkatapos ng pandemiya, ang pagbangon ng kabuhayan ay pangunahing misyon ng iba’t-ibang bansa sa daigdig. Kaya nagiging mas mahalaga kumpara sa noong nakaraang panahon ang isang mapayapa at matatag na kapaligiran at kaayusang pandagdig.


Paggagalangan sa isa’t-isa, mapayapang pakikipamuhayan, at kooperasyon tungo sa panalu-nalong resulta, tatlong prinsipyo sa relasyong Sino-Amerikano


Ang mga kontradiksyon sa pagitan ng mga tao ay laging dahil sa pagkampi at di pagkaunawaan, pati na ang relasyon sa pagitan ng mga tao.


Ang tatlong prinsipyong kinabibilangan ng paggagalangan sa isa’t-isa, mapayapang pakikipamuhayan, at kooperasyon tungo sa panalu-nalong resulta, ay nagkakaloob ng patnubay sa pagpapabuti ng relasyong Sino-Amerikano sa hinaharap.


Kung walang paggalang, walang tiwala; kung walang tiwala, di maiiwasan ang sagupaan, at walang tunay na kooperasyon.


Ninanais ng bawat bansa ang mabuting pamumuhay, at ang kaunlaran ay hindi pribilehiyo ng iilang bansa.


Sa kapipinid na Ika-6 na CIIE, magkakasunod na inihayag ng mga Pilipinong eksibitor na ipinagkaloob ng CIIE ang pagkakataong pangkaunlaran para sa Pilipinas, at nakakatulong ito sa pagkakaroon ng mga mamamayang Pilipino ng mabuting pamumuhay.


Tulad ng mga mamamayang Amerikano, ang mga mamamayang Tsino at Pilipino ay mayroon ding karapatan sa paghahanap ng magandang buhay.


Kinakailangan ng daigdig ang malusog at matatag na relasyong Sino-Amerikano, at kinakailangan din ng Asya ang matatag at maunlad na relasyong Sino-Pilipino.


Sapat ang laki ng daigdig para sa pag-unlad ng iba’t-ibang bansa sa daigdig.


May-akda / Salin: Lito

Pulido: Ramil