Matatag at pangmalayuang pag-unlad ng ugnayang Sino-Argentiniano, ipinangako ni Xi Jinping

2023-11-23 15:32:50  CMG
Share with:

Sa mensahe, Nobyembre 21, 2023 kay Javier Milei, bilang pagbati sa kanyang pagkahalal bilang pangulo ng Argentina, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang Tsina’t Argentina ay kapuwa malaking umuunlad na bansa at mahalagang bagong-sibol na merkado.

 

Aniya, ang walang humpay na pagsulong sa relasyong Sino-Argentiniano ay unibersal na komong palagay ng iba’t-ibang sirkulo ng lipunan ng dalawang bansa.

 

Kaya, napakahagala ang pag-unlad ng ugnayang ito, ani Xi.

 

Kasama ni Pangulong Milei, nakahanda si Xi, na pabutihin ang pagkakaibigan, suportahan ang pag-unlad at pag-ahon sa pamamagitan ng win-win na kooperasyon, pasulungin ang matatag at pangmalayuang pag-unlad ng bilateral na relasyon, at ihatid ang mas maraming benepisyo sa mga Tsino at Argentino.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio