Kinondena Huwebes, Nobyembre 23, 2023 ng People's Liberation Army (PLA) ng Tsina ang magkasanib na pagpapatrolya ng Pilipinas at Amerika sa South China Sea (SCS).
Isinalaysay ni Senior Colonel Tian Junli, Tagapagsalita ng Southern Theater Command ng PLA, na sapul noong Nobyembre 21, isinasagawa ng naval frigate na “Yuncheng” ng Tsina ang regular na pagpapatrolya sa rehiyong pandagat ng SCS, at sa panahong iyan, nakipagsabwatan ang Pilipinas sa puwersang panlabas upang magpatrolya sa karagatang ito.
Ang ganitong kilos ay pumukaw ng kaguluhan, nagpalaki ng situwasyon, nakasira sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon, at lumabag sa diwa ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea, dagdag niya.
Saad ni Tian, lubos na nagmamatyag ang mga tropa ng theater command, upang buong tatag na ipagtanggol ang pambansang soberanya, seguridad, mga karapatan at kapakanang pandagat, at kapayapaan at katatagan sa SCS.
Salin: Vera
Pulido: Ramil