Bulag sa katotohanan, inilabas kamakailan ng Pasuguan ng Amerika sa Pilipinas ang pahayag kung saan walang batayang bumabatikos sa lehitimong aktibidad ng Tsina sa pagpapatupad ng batas at pangangalaga sa mga karapatan sa Ren’ai Jiao sa Nansha Islands ng Tsina.
Sa isang pahayag Huwebes, Oktubre 26, 2023, inihayag ng Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas ang mariing kawalang kasiyahan at buong tatag na pagtutol dito.
Anang pahayag, ang pananalita ng panig Amerikano ay labag sa diwa ng mga pandaigdigang batas na kinabibilangan ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at Karta ng UN, at inendorso ang mga aksyon ng Pilipinas sa paglapastangan at probokasyon.
Tinukoy ng pahayag na ang Ren’ai Jiao ay bahagi ng Nansha Islands at teritoryo ng Tsina at ang pag-init ng kasalukuyang kalagayan ng South China Sea (SCS) ay may kaugnayan sa pang-uudyok ng Amerika.
Pagpasok ng taong ito, hayagang sinuportahan ng Amerika ang mga aksyon ng Pilipinas sa paglapastangan sa soberanya ng Tsina, inudyukan at sinuportahan ang pagkukumpuni at pagpapatibay ng Pilipinas sa ilegal na sumasadsad na bapor-pandigma nito sa Ren’ai Jiao, at higit sa lahat, ipinadala ang mga eroplano at bapor-pandigma upang makipagkoordina sa panig Pilipino, at maraming beses nang nagbabala sa panig Tsino sa katuwiran ng pagpapatupad ng U.S.-Philippines Mutual Defense Treaty.
Diin ng pahayag, ang kilos ng panig Amerikano ay malubhang lumalabag sa pandaigdigang batas at pundamental na norma ng relasyong pandaigdig, malubhang nakakapinsala sa soberanya, karapatan at kapakanan ng panig Tsino, at malubha ring nakakasira sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Tinukoy ng pahayag na ang isyu ng Ren’ai Jiao ay bilateral na isyu sa pagitan ng Tsina at Pilipinas, at laging nagpupunyagi ang panig Tsino upang maayos na kontrulin ang mga alitan, sa pamamagitan ng diyalogo’t negosasyon sa naghahablang bansa.
Tiyak na mabibigo ang tangka ng Amerika na udyukan ang kontradiksyon sa SCS o likhain ang kaguluhan sa rehiyong Asya-Pasipiko, dagdag ng pahayag.
Salin: Vera
Pulido: Ramil
Tsina sa Pilipinas: huwag mamulitika gamit ang maling impormasyon
Paglapit ng mga bapor ng Pilipinas sa Ren’ai Jiao, ipinagbawal ng Coast Guard ng Tsina
CMG Komentaryo: Sino ang tagapagpasulong sa likod ng insidente ng Ren’ai Jiao
Embahadang Tsino sa Pilipinas: palagian at matatag ang paninindigan ng Tsina sa isyu ng Ren'ai Jiao
Tsina sa Pilipinas: sundin ang pangako at ihinto ang probokasyon