Inilabas ngayong araw, Nobyembre 24, 2023, ng Tanggapan ng Namumunong Grupo sa Pagpapasulong ng Belt and Road Initiative (BRI) ng Tsina ang dokumentong pinamatagang “Bisyon at Aksyon Para sa Dekalidad na Kooperasyon ng Belt and Road: Mas Maliwanag na Prospek para sa Susunod na Dekada.”
Bilang karagdagan, binubuo ng 5 bahagi ang naturang dokumento, na kinabibilangan ng tagumpay at inspirasyon ng BRI sa nakalipas na sampung taon, pangkalahatang plano ng BRI sa susunod na sampung taon, pangunahing larangan at direksyon ng pag-unlad sa susunod na sampung taon, mga landas sa pag-unlad at mga hakbangin sa darating na sampung taon, pati na rin ang mga pananaw.
Inilahad sa dokumento ang pagsunod sa mga prinsipyo ng malawak na konsultasyon at ideya, magkasanib na kontribusyon, at pagbabahagi, paggiit ng pagiging bukas, pagiging berde, at integridad, paggiit sa mga prinsipyo at konsepto tulad ng mataas na pamantayan, pakinabang sa mga kabuhayan ng mga tao at pagpapanatili.
Minumungkahi din sa dokumento na sa darating na sampung taon o higit pa, ang lahat ng panig ay magtulungan tungo sa mga layunin ng pantay na kooperasyon at kapwa benepisyo, para pasulungin ang kooperasyon ng BRI na papasok sa bagong yugto ng dekalidad na pag-unlad.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil