Kinabibilangan ng mga panauhin mula sa mahigit 50 bansa’t rehiyon, natapos ngayong araw, Nobyembre 20, 2023, sa lunsod Xi’an, lalawigang Shaanxi ng Tsina, ang 4-araw na Ika-7 Silk Road International Exposition at Investment and Trade Forum for Cooperation between East and West China.
Pokus ng talakayan ang mas de-kalidad na pag-unlad ng kooperasyon sa Belt and Road Initiative (BRI) sa mas mataas na antas.
Inihayag ni Heng Poeu, Konsul-Heneral ng Kambodya sa Xi’an, na aktibong kasali ang kanyang bansa sa BRI.
Ang kooperasyon aniya ng Kambodya at Tsina sa ilalim ng BRI ay may kinalaman sa maraming larangang gaya ng imprastruktura, kalakalan, pamumuhunan, konektibidad at iba pa.
Malaki ang pakinabang dito ng Kambodya, at nakakatulong ito sa pagsasakatuparan ng target ng pag-unlad ng bansa, dagdag niya.
Sinabi naman ni Teymur Nadiroghlu, Kinatawan ng Kalakalan ng Azerbaijan sa Tsina, na dahil sa BRI, puspusang pinapa-unlad ng kanyang bansa ang imprastruktura.
Salamat sa BRI, ang Azerbaijan ay nagsisilbi ngayong hub ng transportasyon ng Eurasia, saad niya.
Salin: Vera
Pulido: Rhio