Pagbubukas ng Beijing ng sektor ng serbisyo, suportado ng Konseho ng Estado ng Tsina

2023-11-24 16:36:09  CMG
Share with:

Ayon sa Ministri ng Komersyo ng Tsina Huwebes, Nobyembre 23, 2023, inaprobahan ng Konseho ng Estado ng bansa ang isang work plan para suportahan ang pagpapalalim ng Beijing ng konstruksyon ng integradong pambansang sona ng demonstrasyon sa pagbubukas ng sektor ng serbisyo.

 

Iniharap ng nasabing plano ang mahigit 170 pilot task sa mga aspektong gaya ng pagpapalalim ng reporma at pagbubukas ng mga pangunahing larangan ng sektor ng serbisyo, pag-aaral ng mga alituntunin at regulasyon para sa mga bagong-sibol na porma ng negosyo, at pag-ooptimisa ng institutional arrangement ng kalakalan at pamumuhunan.

 

Kasama ng ibang kaukulang departamento ng pamahalaan, palalakasin ng nabanggit na ministri ang pagbibigay-patnubay at koordinasyon, at isasagawa ang mga gawain ng superbisyon at pagtasa, upang maigarantiya ang pagpapatupad ng mga hakbangin ng reporma at pagbubukas sa planong ito.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil