Beijing - Sa kanyang pagdalo sa Global Trade in Services Summit ng 2023 China International Fair for Trade in Services (CIFTIS), Setyembre 2, 2023, sinabi ni He Lifeng, Pangalawang Premyer ng Tsina, na humahakbang ang bansa upang hanapin ang inobasyon sa mekanismo ng pag-unlad ng kalakalan ng serbisyo, at pinag-iibayo ang pagbubukas ng sektor ng modernong serbisyo.
Aniya, nais ng Tsina na ibahagi sa iba’t-ibang bansa ang mga pagkakataon ng kaunlaran, at tuluy-tuloy na palalalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.
Bago buksan ang 2023 CIFTIS, nilakbay-suri ni He ang mga pagdarausan, at pormal din niyang inanunsyo ang pagbubukas ng summit.
Salin: Vera
Pulido: Rhio