Alalahanin ng komunidad ng daigdig, dapat pakitunguhan ng Hapon – Tsina

2023-11-29 16:39:47  CMG
Share with:

Makaraan ang 3 buwan matapos magpasya ang pamahalaang Hapones na itapon sa dagat ang nuklear na kontaminadong tubig mula sa Fukushima nuclear power plant, sinimulan kamakailan ng Tokyo Electric Power Company (TEPCO) ang pagsusuri sa pinsala at kompensasyon para sa mga domestikong biktima ng naturang hakbang.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Nobyembre 28, 2023, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na dapat tumpak na pakitunguhan ng Hapon ang alalahanin ng komunidad ng daigdig, partikular, ang mga kapitbansa ng Hapon.

 


Ang pagtatapon aniya ng nuklear na kontaminadong tubig sa dagat ay may kaugnayan sa kalusugan ng buong sangkatauhan, ekolohiyang pandagat ng buong mundo, at pandaigdigang pampublikong interes.

 

Batay sa responsableng pakikitungo, dapat makipagkoordina ang Hapon sa mga kinauukulang panig, at mataimtim na pangasiwaan ang kanilang makatuwirang kahilingan sa pagsusuri ng pinsala at kompensasyon, dagdag ni Wang.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio