Lunsod Dujiangyan, lalawigang Sichuan sa timog kanlurang Tsina – Sa ilalim ng temang “Friendly Exchanges, Shared Peace,” ginanap, Nobyembre 28, 2023 ang 2023 Panda Basi Peace and Friendship Forum na magkasamang itinaguyod ng China Media Group (CMG) at China Association for International Friendly Contact.
Inihayag ni Xing Bo, Pangalawang Presidente ng CMG, na aktibong gagamitin ng CMG ang bentahe nito sa komunikasyon, upang maging tagapagkuwento ng istorya ng Panda Basi, tagapagtala ng reserbasyon ng panda, at tagapagpalaganap ng kultura ng panda.
Bukod dito, pormal ding pinasimulan ang Panda Basi Film Project ng CMG.
Matatandaang noong 1987, inanyayahang dumalaw sa Amerika ang Panda Basi, at nagsilbi itong prototype ng mascot na "Pan Pan" ng Beijing Asian Games noong 1990.
Itinuring itong “sugo ng pagkakaibigan” ng pagpapalitang di-pampamahalaan sa pagitan ng Tsina at ibang bansa.
Kasali sa 2023 Panda Basi Peace and Friendship Forum ang halos 200 personahe mula sa Amerika, Italya, Belgium, Qatar, Morocco at Sri Lanka, mga namamahalang tauhan ng kaukulang departamento ng lalawigang Sichuan at lunsod Chengdu, mga dalubhasa’t iskolar, at mga kinatawan ng mga kaukulang organo.
Salin: Vera
Pulido: Rhio